Decontamination Station, inilagay sa mga gate ng Camp Crame para sa disinfection ng lahat ng mga pumapasok sa kampo

48

Naglagay na rin ng walk thru decontamination station sa mga gate ng Camp Crame para sa disinfection ng lahat ng mga pumapasok sa kampo.

Ginagawa ito ng PNP para pa rin mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Habang ang mga sasakyan naman ay dadaan sa tire bath at ang mga sakay nito ay bababa at dadaan din sa misting disinfectant tent at kukunan ng body temperature.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang hakbang nilang ito ay bahagi ng Biosafety Plan kontra COVID-19 na inirekomenda ng PNP Health Service.

Sa ngayon, mahigpit na rin ang pagsunod sa tamang pagtatapon ng mga nagamit nang personal protective equipment, face mask at gloves.

Facebook Comments