Manila, Philippines – Hinimok ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang Local Government Unit (LGU’s) na paigtingin ang kanilang kampanya kung sakiling tumama ang malaking sakuna.
Sa interview ng RMN Manila kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, kinakailangan na magkaroon ng pagsasanay ang mga LGU’s sa kanilang mga nasasakupan para magbigay kaalaman sa kung ano ang dapat gawin sa oras ng sakuna katulad ng lindol.
Nagpaalala rin ang tagapagsalita na huwag gawing biro ang mga nangyayaring kaganapan sa ating paligid dahil ito ay seryosong usapin.
Iginit rin ni Marasigan, dapat na maging alerto ang publiko at maging handa sa lahat ng bagay.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
NDRRMC, hinimok ang mga local government na paigtingin pa ang kanilang kampanya sa paghahanda sa pagtama ng sakuna
Facebook Comments