Iginiit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang mga lokal na pamahalaan ang direktang namamahala ng Mindanao Quake Evacuation sites para sa distribution ng relief goods, na may suporta mula sa National Government Agencies.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nakakatanggap ng suporta ang mga LGU mula sa DSWD para sa supply ng food at non-food items, DOH naman para sa sanitation at gamot.
Nakatutok naman ang Office of Civil Defense (OCD) sa logistics habang sa Law Enforcement ang AFP at PNP.
Ang DILG naman ang sumisilip kung gumagana ang mga LGU lalo na ang mga Barangay.
Facebook Comments