NDRRMC, ipinagtanggol si Pangulong Duterte mula sa mga kritisismo

Hindi dapat mag-alala ang publiko kung hindi makikita si Pangulong Rodrigo Duterte bago, sa kasagsagan at pagkatapos manalasa ng Bagyong Rolly.

Nabatid na nag-trending online ang #NasaanAngPangulo nang hindi nito pangunahan ang unang press briefing kasama ang mga gabinete nitong Linggo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, gumagana ang pamahalaan mula pa lamang sa Local Government Units (LGUs).


Aniya, nakapaghanda ang mga lokal na pamahalaan mula sa bagyo dahil mayroong maayos na komunikasyon sa national government agencies.

Ang assistance request ng ilang local chief executives na naapektuhan ng bagyo ay tinutugunan na ng mga regional director ng NDRRMC.

Facebook Comments