Nagpasa ng isang resolusyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagbibigay pagkilala sa 5 rescuers ng Bulacan Provincial Risk Reduction and Management Office na nasawi matapos gampanan ang kanilang tungkulin noong kasagsagan nang pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon kay NDRRMC Chair at Department of National Defense Officer in Charge, Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., ang nasabing resolusyon ay hindi lamang para kilalanin ang kabayanihan ng 5 rescuers kung hindi para mapaghusay pa ang disaster risk reduction and management system at suportahan ang planning development, operations work and welfare ng mga DRRM workers.
Ang resolusyon ay nagkakaisang inaprubahan at inindorso sa Office of the President ng nasabing konseho.
Matatandaang napuruhan ni Karding ang Regions 1, 2, 3, 5, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region kung saan nag-iwan ito ng 12 nasawi, 5 ang nawawala at 52 ang naitalang nasaktan.