Epekto ng bagong sub-variant ng Omicron na BQ. 1.1 na naitala sa Canada hindi pa tukoy ng isang vaccine expert

Masyado pang maaga para masabi kung mas malala ang epekto o hindi ng bagong sub-variant ng Omicron na BQ. 1.1. na naitala sa Canada.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani, na hanggang sa ngayon kasi, pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang bagong sub-variant na ito.

Sa kasalukuyan aniya, ang mga present na Omicron sub-variant ay hindi naman nagdu-dulot ng severe infection.


Pero, dahil patuloy aniya ang transmission ng virus, patuloy rin ang mutation nito, kaya’t hindi pa ito agad na mawawala sa sirkulasyon.

Facebook Comments