NDRRMC, magsasagawa ng aerial survey sa Misamis Occidental

Magsasagawa ng aerial survey ngayong araw ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Misamis Occidental.

Pangungunahan ni NDRRMC Chairperson at Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., ang naturang aerial survey kasama si NDRRMC Executive Director Undersecretary Raymundo Ferrer.

Layon nitong makita ang lawak ng pinsala sa mga binahang lugar sa lalawigan bunsod ng malakas na ulan dahil sa epekto ng shearline.


Makikipagpulong din ang dalawa sa gobernador ng Misamis Occidental at iba pang lokal na opisyal para sa karagdagang aksyon upang tulungan ang mga apektadong komunidad.

Ayon kay Usec. Faustino, mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa NDRRMC na ipagkakaloob ang lahat ng tulong sa mga apektadong mamamayan sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments