NDRRMC: Mga debris ng ilulunsad na rocket ng China, inaasahang babagsak sa Ilocos Norte at Cagayan

Courtesy: China Daily

Inaasahang babagsak ang debris mula sa ilulunsad na rocket ng People’s Republic of China malapit sa Ilocos Norte at Cagayan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC), natukoy ang pagbabagsakan sa tinatayang nasa 47 nautical miles mula sa Burgos sa Ilocos Norte at 37 nautical miles naman mula sa Sta. Ana sa Cagayan.

Ang China Long March 7A (CZ-7A) mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan ay posibleng maganap ng dalawang araw.


Samantala, sa advisory ng ahensiya, sinabi nito na mababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng untoward incident sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Facebook Comments