Kasunod ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa Masbate ay binigyang diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kahalagahan ng tamang aksyon o duck, cover and hold sa tuwing lumilindol.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, ang pagsasagawa ng duck, cover & hold at iba pang safety measures kapag lumilindol ay makakaiwas sa pagkakaroon ng pinsala at pagbubuwis ng buhay.
Aniya, kaya’t importante na laging handa ang publiko para pag tumama sa bansa ang “The Big One.”
Paliwanag nito, nasa pacific ring of fire ang Pilipinas kaya madalas tayong tamaan ng lindol.
Sinabi pa nito mahalagang nakikiisa ang lahat sa National Simultaneous Earthquake Drill upang tumatak sa isip at puso ng lahat ang mga dapat gawin sa oras ng kalamidad nang sa ganon ay mailigtas ang sarili, pamilya at pamayanan.
Nabatid na isinasagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill sa kada quarter ng taon.