NDRRMC, nagpaliwanag sa pagkakaiba ng inilabas nilang report at sa inilabas na ulat ng RDRRMC

Nagpaliwanag ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagkakaiba ng inilabas nilang bilang ng nasawi sa situation report kumpara sa ulat na inilabas ng Region 5 DRRMC o RDRRMC

Nabatid na sa situation report na inilabas ng NDRRMC, 17 ang iniulat na patay at dalawa ang sugatan sa CALABARZON at Region 5, gayung una nang iniulat na ng Region 5 RDRRMC na 20 na ang patay.

Ayon kay Easha Mariano, media liason ng NDRRMC, hindi muna nila inilalabas ang bagong pasok na datos ng mga nasawi hanggat hindi ito naba-validate ng “Management of the Dead and the Missing,” na pinamumumuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) cluster.


Sa kabila nito, tiniyak naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, na ang mga bagong labas ma figure ay ipa-publish din pagkatapos dumaan sa validation, dahil ang datos mula sa rehiyon ay “raw figures” pa lamang.

Sinabi pa ni Timbal na mula sa 17 nasawi na nasa kanilang opisyal na tala, isa rito ay mula sa CALABARZON habang 16 sa Bicol Region.

Facebook Comments