NDRRMC, nagtaas na ng Blue Alert ngayong Semana Santa

Nakataas sa blue alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng paggunita ng Semana Santa.

Batay sa Memorandum No. 082, epektibo ang Blue Alert status mula April 12 hanggang April 21, 2025.

Layon nitong matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente o emergency na maaaring mangyari habang maraming mamamayan ang inaasahang uuwi sa kanilang mga probinsya para doon gunitain ang Mahal na Araw.

Sa ilalim ng Blue Alert status, nakahanda ang 50% ng mga tauhan ng mga ahensyang kasapi ng NDRRMC upang agad tumugon sa anumang insidente ngayong Holy Week.

Facebook Comments