NDRRMC, naka-blue alert na bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Maring

Manila, Philippines – Nakataas sa blue alert status ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Maring at Lanie.

Sa naging pagpupulong ng Pre-Disaster Risk Assessment Core Group, tinukoy nito ang kahandaan ng mga ahensyang kumikilos tuwing may bagyo.

Kasabay nito ay inabisuhan ng NDRRMC at Dept. of Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na gawin ang lahat ng paghahanda.


Alinsunod ito sa kanilang “operation listo” para matiyak ang kaligtasan ng mga maaapektuhang residente.

Sinigurado naman ng Dept. of Social Welfare and Development na nakahanda na ang mga food and non-food items na ipapamigay sakaling may pamilyang ililikas.

Facebook Comments