NDRRMC, naka-full red alert na bilang paghahanda sa Bagyong Karding

Naka-full red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NDRRMC spokesperson Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na Biyernes pa nang magtaas na rin sila ng alerto partikular sa mga rehiyon na maaapektuhan ng bagyo kabilang ang Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region, maging sa National Capital Region at ilang bahagi ng Bicol Region.

Naka-standby na rin ang nasa halos 3,000 search and rescue personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).


Habang bumuo naman ang Department of Health (DOH) ng 500 team na tutulong sa mga search and rescue operations.

Samantala, naka-preposition na ang kabuuang 200,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dagdag pa ni Alejandro, maaari rin silang magrekomenda ng class suspension para bukas, depende sa magiging galaw ng bagyo.

Facebook Comments