Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 44 ang mga nasaktan sa nangyaring magnitude 6.4 na lindol sa Abra.
Sa datos ng NDRRMC ngayong umaga, 12 sugatan ay mula sa Region 1 at ang 32 sugatan ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang mga ito ay nagtamo ng sugat o gasgas sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Mayroon ding nagtamo ng head injury, hematoma at multiple physical injuries.
Ilan sa mga ito ay nasa ospital pa habang ang karamihan ay nakalabas na ng pagamutan.
Samantala, ang magandang balita, walang napaulat na nasawi o nawawala dahil sa nasabing pagyanig.
Facebook Comments