Face to face Mega Job Fair ng Makati City, umarangkada na

Umarangkada na ang Mega Job Fair ng Makati City Government at kanilang Public Employment Service Office.

Nagsimula ito kaninang alas-9:00 ng umaga at nagpapatuloy ngayon sa Makati City Hall.

Imbitado rito ang labing apat na kumpanya at may alok itong 2,871 jobs.


Kabilang sa mga trabahong ito ay bartender, dining staff, sales clerk, admin assistant, service crew, technician, promodiser, nurse, beauty consultant, mechadiser, cashier, encoder at warehouse staff.

Bukas naman ito hindi lang sa Makatizen kundi sa iba pang aplikante mula sa ibang lungsod.

Ano pa ang hinintay ninyo, magdala ng maraming resume at sariling ballpen at mag-apply na!

Ang DZXL Radyo Trabaho ay aktibong katuwang ng Makati PESO at LGU sa kanilang mga programa at proyekto.

Facebook Comments