NDRRMC – nilinaw na dalawa pa lang ang naitalang patay sa malakas na lindol sa Visayas region

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang assessment ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa nangyaring pinsala ng lindol sa Visayas region.

Sa isinagawang briefing sa operation center ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo – sinabi ni Spokesperson Mina Marasigan na dalawa ang kumpirmadong nasawi na kinilalang sina Gerry Movilla, 40-anyos ng Kananga, Leyte at Rhissa Rosales, 19-anyos ng Cabaon-An, Ormoc City.

Bukod dito, 72 ang naitala nilang nasugatan sa Leyte kung saan karamihan sa mga ito ay nabangsakan ng gamit, gumuhong kisame at pader.


Sa tala ng NDRRMC, umabot sa 241 aftershock ang kanilang naitala mula kanilang ala-singko ng umaga at inaasahan pang magpapatuloy pa ang mga pagyanig.

Samantala – nanawagan ang NDRRMC sa publiko lalo na ang mga kababayan natin sa Leyte na manatiling kalmado pero maging alerto sa mga ganitong panahon.

Facebook Comments