NDRRMC, pinagana ang National Incident Management Team para sa inagurasyon ni President-elect Marcos Jr

Activated na ngayong araw ng National Incident Management Team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang bahagi ng paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bukas.

Pangungunahan ni National Incident Management Team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang deployment ng National Incident Management Team na siyang nagmo-monitor at tutulong sa koordinasyon para sa emergency preparedness sa inagurasyon ng ika-17 pangulo ng bansa sa National Museum.

Kasama sa binuong team ay mga tauhan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Health – Republic of the Philippines (DOH) at Bureau of Fire Protection (BFP).


Una nang sinabi ng PNP na tinatayang nasa 30,000 indibidwal ang mga magtutungo sa bahagi ng national museum upang personal na masaksihan ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bukas.

Facebook Comments