Philippine Embassy, tiniyak na walang Pilipino nasaktan sa chlorine gas leak sa Aqaba port ng Jordan

54

Walang Pilipino ang naiulat na nasaktan sa chlorine gas leak sa Aqaba port ng Jordan ayon sa Philippine Embassy.

Nabatid na hindi bababa sa 12 katao ang namatay at 251 pa ang nasugatan sa insidente.

Nangyari ang pagtagas matapos mahulog ang isang tangke na puno ng 25 tonelada ng chlorine gas na ini-export sa Djibouti = East Africa.


Pinayuhan naman ng embahada ang mga Pilipino sa Aqaba na sumunod sa lahat ng mga tagubilin mula sa mga lokal na opisyal para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments