NDRRMC, pinaglalatag ng bagong template at guidelines para sa mga virus-resistant na evacuation centers

Pinaglalatag ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng bagong template para sa pagtatayo ng emergency evacuation centers na resistant sa COVID-19.

Ang rekomendasyon ng kongresista ay bunsod na rin ng inaasahang sunud-sunod na kalamidad tulad ng mga bagyong tatama sa bansa.

Ayon kay Pimentel, hindi nila gugustuhin na ang mga evacuation center pa ang maging dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus partikular na sa mga komunidad na kinakailangang ilikas agad dahil sa baha.


Hihimukin ng kongresista ang NDRRMC at ang Inter-Agency Task Force (IATF) na maglatag ng mga bagong standard at guidelines para sa mga bagong evacaution centers na resistant sa mga highly contagious respiratory diseases.

Hindi na aniya maaaring ilagay sa mga temporary shelter, school buildings at gymnasiums ang mga residente kapag bumagyo dahil wala ditong sapat na precautionary measures laban sa COVID-19.

Para maging virus-resistant, kailangan aniyang mas kakaunti ang tao sa evacuation centers upang mayroong pagitan sa mga makeshift tents at dapat nakahiwalay rin ang lugar para sa matatanda at iyong mayroong health conditions.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat kumpleto rin ang evacuation centers ng mga pasilidad tulad ng temperature scanners, hugasan ng kamay, comfort rooms at sapat na supplies ng face masks.

Importante rin aniyang palagiang ma-disinfect ang lugar at gawing contactless ang pamamahagi ng pagkain.

Facebook Comments