NDRRMC, pinatitiyak sa LGUs na naipapatupad ang social distancing sa evacuation centers sa pagtama ng Bagyong Ambo

Pinasisiguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan na dapat pa ring maipatupad ang social distancing sa mga evacuation center.

Ito ay sa harap ng inaasahang pagtama ng Bagyong Ambo sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, posible malabag ang health protocols dahil sa pagdidikit-dikit ng mga pamilya na ililikas dahil sa bagyo.


Paliwanag ni Timbal, dapat naka-face mask din ang mga ililikas at dapat ay naka-personal protective equipment (PPE) din ang mga kawani ng LGUs na mangangasiwa sa paglilikas.

Maari aniya gamitin ang mga multi-purpose hall, covered court at ipa pang lugar na hindi nagamit bilang quarantine facility.

Aminado si Timbal na kakaibang sitwasyon ang kinakaharap ng bansa ngayon.

Bukod sa krisis sa COVID-19 ay sinabayan pa ito ng malakas na bagyo.

Sa ngayon, nakaalerto na ang mga Regional Office ng NDRRMC at 24-oras ang monitoring sa paghagupit ng Bagyong Ambo

Facebook Comments