Sapat ang relief supplies para sa mga nagging biktima ng lindol sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC matapos ang naranasang 6.5 Magnitude na Lindol kaninang Umaga sa Mindanao.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal may mga available na food packs sa mga Regional Offices ng DSWD na nauna nang naka pre-position bago pa tumama ang Lindol.
Sa ngayon aniya ay sisimulan na nila ang paglilipat ng iba pang mga Supplies mula sa National Council papunta sa mga Regions.
Kasama na rito ang mga Tents, Sleeping Kits at nga Food Packs na kailangan ng mga na biktima ng Lindol.
Facebook Comments