Patuloy na tumatanggap ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mga aplikasyon ng mga Local Government Unit (LGU) na gustong sumali sa Ready to Rebuild (R2R): Disaster Rehabilitation and Recovery Program.
Ayon kay NDRRMC Information Officer Easha Mariano, 136 na opisyal mula sa 30 LGU ang nakapagpadehistro na para sa unang batch ng training na isasagawa mula April 20 hanggang May 11.
Maliban aniya dito ay may 14 na LGU ang nagparehistro para sa ikalawang batch sa June 1 hanggang 23; 4 na LGU para sa ikatlong batch sa August 3 hanggang 24; at 3 LGU para sa ika-apat at huling batch sa September 7 hanggang 28.
Ang programa ay may layuning sanayin ng mahigpit sa LGU sa epektibong pagtugon sa mga sakuna bilang mga first responders, at pagbuo ng draft plan para sa recovery pagkatapos ng sakuna.