Target ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na agad na maresolba ang measles outbreak sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, nais nilang mapuksa ang tigdas outbreak sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, mas mababa kumpara sa itinakdang projected date.
Kasabay nito, handa aniya ang NDRRMC na tulungan ang Department of Health (DOH) kaugnay sa isinasagawa nilang monitoring at surveillance sa mga kaso ng tigdas.
Batay sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, posibleng tumagal ang measles outbreak hanggang Hunyo ng taon.
Facebook Comments