Walang naitalang nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nang manalasa ang Bagyong Ambo sa bansa.
Gayunman, nakapagtala ang NDRRMC ng 54 na inidibwal na nasugatan sa hagupit ng bagyo.
Umabot naman sa 25,000 pamilya o 82,000 indibidwal ang naapektuhan nito.
Nasira rin ang siyam na health facilities mula Bicol Region at Eastern Visayas.
Kaugnay nito, pumalo sa ₱1.04-billion ang pinsala sa agri-fisheries sector dahil sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Ambo.
Nasa 73% o ₱755.57-million ang total damage and losses mula sa high value crops, kung saan 87% o ₱602.06-million ay mga panananim na saging at papaya sa Quezon Province.
Naapektuhan din ng bagyo ang 62,228 metric tons na production loss kung saan apektado ang 20,652 ektarya ng agricultural areas at 21,655 mga magsasaka at mangingisda mula Central Luzon, CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas regions.