NDRRMO, pinaplantsa ang mga hakbangin sa pagpapauwi sa bansa ng mga pinoy mula sa China

Muling nag-convene ang National Disaster Risk Reduction and Management Office para plantsahin ang mga detalye kaugnay sa pag-uwi sa bansa ng mga pinoy mula sa China.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, kabilang sa tatalakayin sa nasabing pulong ay kung ilan ba talaga ang bilang ng mga pinoy na pauwi sa bansa mula China at ang petsa ng dating ng mga ito sa bansa.

Bagama’t inaasahan ito ngayong linggo ay hindi pa naman ito pinal.


Para naman mapawi ang pangamba ng mga taga Capas, Tarlac kung saan naroon ang New Clark City na pagdadalhan sa mga uuwing pinoy na isasailalim sa quarantine, ipinaliwanag ni Domingo na ang mga mananatili roon ay walang sakit.

Ang magiging sistema aniya sa China palang ay titignan na kung mayroong may sakit at ihihiwalay na sila sa mga walang sakit.

Sa buong byahe, may kasama aniyang DOH health personnel na magbabantay sa mga ito.

Ang mga makakasama nila sa flight ay naka-full protective gear. Walang magiging service gaya ng pagbibigay ng pagkain o inumin at may hiwalay na banyo ang mga pasahero at crew.

Pagdating sa airport, may sasalubong din na mga tauhan ng Bureau of Quarantine. Ang may sakit ay idederetsoo agad sa ospital.

Facebook Comments