*Cauayan City, Isabela *– Nakiisa sa unang pagkakataon ang Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 at ng National Electrification Administration (NEA) sa pagtatanim ng mga punong kahoy at paglilinis sa mga transmission ng linya ng kuryente bilang pakikiisa sa 9th National Electrification Awareness Month sa bansa.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni General Manager ng ISELCO 2 at Chairman ng Philippine Federation Electric Cooperatives (PHILFECO) David Solomon Siquian kung saan gagawin na umano bilang National Clearing day sa mga transmission ng kuryente ang ika tatlumpu’t isa ng Agosto upang makaiwas sa disgrasya at mapaganda ang serbisyong maibibigay sa mga consumer owners.
Aniya, dapat mapanatiling malinis ang mga poste ng mga kuryente at wala umanong mga punongkahoy ang nakakasagaba l sa mga kawad ng kuryente upang mas maging maganda ang daloy ng kuryente.
Isa umano kasi sa mga nagiging sanhi sa pagkakawala ng daloy ng kuryente ay ang mga nakasagabal na punong kahoy.
Dagdag pa rito ay nagsagawa rin umano sila ng tree planting upang makatulong sa pangangalaga sa ating kalikasan at madagdagan ang mga punong kahoy dito sa ating bansa.