Wednesday, February 11, 2026

NEA, nakapagtala na ng inisyal na P2.8-M na pinsala dahil sa epekto Bagyong Basyang

Nakapagtala ang National Electrification Administration ng Php2.8-M na inisyal na halaga ng pinsala mga transmission lines dahil sa epekto ng bagyong Basyang.

Kabilang sa nakapagtala ng pinsala ay ang Surigao Del Sur Electric Cooperative 2 (SURSECO 2) at Cebu Electric Cooperative, Inc. (CEBECO 1)

Patuloy pa rin ang pagsasaayos sa mga nasirang linya ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Nasa 5,423 consumer ang wala pang maayos na suplay ng kuryente partikular sa service areas ng Surigao Del Norte Electric Cooperative, Inc. (SURNECO) at SURSECO 2) sa Surigao Del Sur.

Samantala, ang ibang ECs naman ay balik na sa normal ang operasyon.

Facebook Comments