Vaccination program sa Kamara, balik na ulit sa operasyon

Nagbabalik-operasyon ang CONGVAX o vaccination program ng Kamara simula bukas.

Sa inilabas na abiso ng Office of the Secretary General, nagkaroon muli ng suplay ng bakunang Sinovac para sa first dose ng House members, congressional staff, secretariat personnel, service providers at personnel ng attached agencies.

Ipagpapatuloy muli ang vaccination bukas, Setyembre 1 hanggang 3, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.


Kailangan naman magparehistro sa CONGVAX system kasama na rin ang clearance mula sa primary care physician ng mga buntis at may comorbidities.

Lahat ng mga kawani na magpapabakuna ay kailangan namang magsumite ng negative antigen test result na isinagawa sa loob ng linggo ng vaccination schedule.

Facebook Comments