NEA, pinayuhan ang power distributor sa Marawi City na tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente sa mga lugar na mayroong evacuation centers

Manila, Philippines – Pinayuhan ng National Electrification Administration ang power distributor sa Marawi City na Lanao Del Sur Electric Cooperative Inc., na tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente sa mga lugar na mayroong Evacuation Centers dulot ng bakbakan ng pamahalaan at grupong Maute.

Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masungsong, habang pinagtutuunan ng LASURECO ang pagbabalik normal ng kuryente sa Marawi City ay huwag naman umano nitong pababayaan na mawalan ng suplay ng kuryente ang mga lugar na mayroong bakwit tulad ng Iligan City.

Iniulat naman ni LASURECO Acting General Manager Nordjiana Ducol na naglagay sila ng Satellite Office sa Iligan City upang tugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng kanilang mga empleyado at member-consumers.


Noong Mayo 24, isang araw matapos sumiklab ang gulo sa Marawi City, agad inatasan ni Masungsong ang lahat ng mga electric cooperatives sa Mindanao na doblehin ang seguridad sa mga tanggapan at power sub stations.

DZXL558

Facebook Comments