Premiere night ng pelikula nina Arci Muñoz at Gerald Anderson, dinumog ng mga fans

Manila, Philippines – Dinumog ng mga fans ang premiere night ng pelikulang “Can We Still Be Friends” sa SM Megamall kung saan nagulat ang lahat sa kakaibang look na ipinakita ng lead actress na si Arci Muñoz.

Ayon kay Arci, kinarer daw niya talaga ang red carpet premier dahil minsan lang daw ito mangyari sa kaniya.

Dahil sa tema ng pelikula, marami ang nakaka-relate dito kaya’t todo ang pasalamat ng dalawa sa mga nagpunta kagabi.


Inimbitahan din ng dalawa ang mga nagnanais na manood lalo na yung mga taong nagtatanong sa kanilang sarili hinggil sa mga dating relasyon nila at siguradong malalaman din nila ang kasagutan dahil sa nasabing pelikula.

Kasama din nila sa naturang event ang mga co-stars sa pelikula maging ang malalapit na kaibigan sa industriya.

DZXL558

Facebook Comments