Manila, Philippines – Alas dyes ngayong umaga ay nakatakda ang necrological service ng senado para sa pumanaw na si dating senador Evangelina “Eva” Estrada Kalaw.
Ang pagtanggap sa labi ng dating senadora ay pangungunahan ni Senate President Koko Pimentel, at iba pang mga senador kasama din si Senate Secretary Ludgardo Barbo at mga empleyado ng senado.
Bahagi ng necrological service ang pagbibigay ni Senate President Pimentel sa pamilya ni kalaw ng ipinasa nilang resolusyon na nagpapahayag ng kanilang pakikidalamhati sa pagpanaw ng senadora.
Ang nabanggit na resolusyon ay tatanggapin naman pinakabatang anak na lalaki ni Kalaw na si Valerio.
Kabilang naman sa mga magbibigay ng eulogy ay sina dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, sina dating senators Senators Edgar U. Ilarde, at Rene A.V. Saguisag. Magbigigay din ng eulogy sina Senate Majority Leader Tito Sotto at sina Senators Gregorio B. Honasan II, Loren Legarda at Risa Hontiveros
Si Kalaw ay ikalimang babae na nahalala bilang senador noong 1965 at kauna unahang babae na nanalo sa re-election noong 1971.
Umabot sa 41 panukala ang iniakda ni Kalaw na kinabibilangan ng Salary Standardization for Public School Teachers, Creation of Local School Boards at Education Financing Act.
Sya din ay naging chairperson ng Senate Committees on Games and Amusement at ng committee on Tourism and the National Minorities.
Si kalaw ay kilalang opposition leader sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Ferdinand Marcos lalo at mariin tumutol sa ideklarang martial law hanggang sa maganap ang People Power Revolution noong 1986.
Si Kalaw din ang nagtatag at chairperson ng Samahang Filipina at naging unang pangulo din sya ng Jayceerettes foundation.
DZXL558, Grace Mariano