Necrological service para sa namayapang si Cong. Batocabe, isasagawa ngayong araw

45

Magsasagawa ngayong araw ang Kamara ng necrological service para kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Si Batocabe ay pinatay kasama ang kanyang security aide na si SPO1 Orlando Diaz sa Daraga, Albay.

Ang necrological service ay isasagawa pagkatapos ng alas-10:00 na requiem mass sa plenary hall.

Inaasahang dadaluhan ito ng misis ni Batocabe na si Gertie at dalawa nilang anak na si Atty. Jhustine at Khiel.

Ang PNP band ay ipatutugtog ang ‘In Memoriam’ bilang hudyat ng pagsisimula ng necrological service, na susundan ng invocation na pangungunahan ni Kabayan Party-List Rep. Paul Hernandez.

Maghahatid ng eulogy sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Atty. John Reyes, Justices Vicente Mendoza, Presbitero Velasco Jr., dating Cong. Michael Angelo Rivera, House Minority Leader Danilo Suarez at House Deputy Speaker Sharon Garin.

Facebook Comments