NEDA at PSA, inirekomendang i-urong sa Setyembre ang National Census

Iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) na gawin sa Setyembre ang pagsasagawa ng National Census.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni NEDA Acting Secretary Karl Kendrick Chua, nais nilang ipagpaliban ang pagsasagawa ng census na nakatakda sanang gawin ngayong buwan at i-urong sa Setyembre dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Mahalaga rin aniyang ligtas ang mga field workers na magsasagawa nito.


Nabanggit ito ni Chua matapos siyang tanungin ni Senator Francis Tolentino kung maaari rin bang magsilbi ang mga contact tracers bilang census enumerators lalo na kung ide-deploy sila sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nabatid na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang May 2020 bilang National Census Month.

Facebook Comments