Manila, Philippines – Duda ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa itinutulak na polisiya ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi pag-aangkat ng bigas ng National Food Authority habang panahon ng ani.
Ayon kay NEDA chief Ernesto Pernia – posibleng tumaas ang presyo ng bigas kung hindi mag-aangkat ng buffer para sa suplay.
Pero giit ni Piñol, hindi magkakaroon ng shortage at hindi magmamahal ang bigas.
Dagdag pa ng kalihim, may satellite-based data sila na nagpapakitang maganda naman ang produksyon ng bigas sa bansa pero aminadong kulang pa rin ito kaya mag-iimport pa rin ang ahensya.
Samantala, naniniwala ang presidente ng Foundation for Economic Freedom na si Calixto Chikiamco na tataas pa rin ang presyo ng bigas kahit tuwing anihan lang ititigil ang rice importation.
Pero para kay Intercity Rice Mill Owners and Traders Association Spokesman Mer Rodriguez – sa ngayon ay wala siyang nakikitang pagtaas sa presyo ng bigas.
Nation