NEDA, inaasahang hindi bababa ang unemployment rate hanggang sa taong 2022

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga jobless o walang trabaho sa bansa hanggang sa taong 2022.

Batay ito sa updated Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan maglalaro lamang sa 7.0 hanggang 9.0 ang unemployment rate sa bansa hanggang susunod na taon.

Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, bukod sa pandemya, ang pagdami ng labor force kasunod ng pagpapatupad ng K to 12 program ang dahilan ng pagsipa ang unemployment rate sa bansa.


Facebook Comments