NEDA, kumpiyansang luluwag ang quarantine classifications sa Marso

Tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na ang quarantine restrictions na maaari nang luwagan pagkatapos ng Pebrero.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, hindi na maaaring higpitan ang quarantine measures dahil lumalabas sa mga datos na maaari nang luwagan ito pagsapit ng Marso.

Mahalaga aniyang sumunod ang publiko sa minimum health standards tulad ng social distancing at pagsusuot ng face masks.


Una nang sinabi ni NEDA na hindi na kakayanin ng Pilipinas na pahabain pa ang quarantine measures dahil halos aabot na sa ₱1.4 trillion hanggang ₱2.8 billion ang nawawala hanggang 2020 dahil sa lockdown restrictions.

Katumbas ito ng average annual income loss na nasa ₱23,000 kada manggagawa.

Facebook Comments