NEDA, muling kinalampag para aprubahan na ang panukalang pagtatayo ng karagdagang dam sa Luzon

Muling kinalampag ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang National Econimic and Development Authority (NEDA) na aprubahan na ang pagtatayo ng mga karagdagang dam sa Luzon upang maiwasan ang pagbaha.

Kasunod na rin ito ng pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila matapos na magpakawala ng tubig ang Angat Dam sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Sa interview ng RMN Manila kay Quimbo, pinamamadali na nito ang final approval sa panukala ng World Bank na magtayo ng dam sa Rodriguez, Rizal na ang pangunahing layunin ay ang pagkontrol ng pagbaha sa Metro Manila.


Samantala, aminado naman si Quimbo na hindi siya sigurado kung ang pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam ang dahilan kung bakit binaha ang Marikina City.

Facebook Comments