Manila, Philippines – Nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa posibleng epekto kapag hindi pa rin nalagdaan ang panukalang 2019 national budget bago mag-Abril.
Ayon kay NEDA Secretary Ernesto Pernia, wala ng katiyakan na maaabot pa ng gobyerno ang target nitong 7 hanggang 8-porsyento na taunang Gross Domestic Product (GDP) kung made-delay na naman ng isang buwan ang pagpirma ng Pangulo sa pambansang pondo.
Aniya, posible rin na humantong sa pinaka-mababa ang GDP kung mangyayari ang babala ni Senador Panfilo Lacson na pagpasa ng budget sa Agosto.
Facebook Comments