NEDA, nagbabala sa publiko sa mga emails na nagso-solicit ng cryptocurrency

Nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko laban sa mga taong nagpapanggap na opisyal ng ahensya para makapag-solicit ng pera gamit ang pekeng email accounts.

Sa abiso ng NEDA sa publiko, ugaliing suriin ang email address, dapat ang official accounts ay nagtatapos sa @neda.gov.ph.

Paglilinaw ng NEDA na hindi sila nagso-solicit ng cryptocurrencies o anumang digital payment request.


Mino-monitor ng NEDA ang mga ganitong insidente at agad na isusumbong sa mga awtoridad.

Facebook Comments