NEDA, tiwalang nasa tama pa rin ang posisyon ng ekonomiya ng bansa kasabay ng paglago sa GDP sa ikalawang quarter ng taong 2023

Tiwala nag pamunuan ng National Economic Development Authority (NEDA) nasa maayos pa ring posisyon ang ekonomiya ng Pilipinas at kaya pa ring maabot ang target growth rate na 6-7% ngayong 2023.

Ang pahayag ng NEDA ay kasabay ng paglago sa gross domestic product (GDP) sa ikalawang quarter ng taong 2023 kung saan ay mas mababa ito kumpara sa 6.4% na naitala sa unang quarter ng 2023 at 7.5% sa kaparehong quarter noong 2022.

Ayon naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kabilang sa mga factor ng pagbagal ng GDP ang nananatiling epekto ng interest rate hikes, inflation at ang mas mabagal na government spending.


Sa kabila naman nito ay kumpiyansa pa rin ang kalihim na nasa maayos pa ring posisyon ang ekonomiya ng Pilipinas at kaya pa ring maabot ang target growth rate na 6-7% ngayong 2023.

Tiniyak din ni Secretary Balisacan na may catch-up plan na ang pamahaaan para makabawi sa GDP kabilang ang pagtugon sa underspending at patuloy na suporta sa taumbayan sa inflation.

Facebook Comments