Kinontra ng Malakanyang ang negatibong kahulugan ng salitang Duterte sa online urban dictionary.
Batay sa nasabing diksyonaryo, kung gagamitin bilang pandiwa ay nanganghulugang para mang-scam o manloko ang balitang Duterte.
Kung gagamitin naman bilang simuno o noun, nangangahulugan itong traynor at scam sham.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung si Pangulong Duterte nga ang tinutukoy sa dictionary ay iba ang pakahulugan o definition nila dito..
Ang Duterte para sa kanila ay nangangahulugan umano ng pagiging matapat at transparent, incorruptible, politically-willed, courageous, selfless o hindi makasarili at iba pang mabubuting bagay.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Panelo na maaaring false news ito dahil ngayon lamang niya narinig ang urban dictionary at mas kilala o pamilyar sa kaniya ang Webster dictionary.