Pinaaakysunan ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro sa pamahalaan ang negatibong epekto ng distance learning sa mga guro sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay kasi aniya sa resulta ng isinagawang online survey ng Alliance of Concerned Teachers, lumabas na 70% ng mga respondents na mga guro ay nagsabing mayroong negatibong epekto ang distance learning sa kanilang kalusugan habang 10% naman sa mga respondents ang umamin na nagkakasakit sila dahil sa mga problema, bigat ng workload o trabaho at demand ng distance learning.
Dahil dito, labis na nababahala si Castro sa epekto ng ‘distance learning’ sa mga guro lalo na sa mga pampublikong paaralan.
Lumabas din sa resulta ng survey na karaniwang sakit na nararanasan ng mga guro ay hypertension, stress, pagkalabo ng mata at depresyon.
Giit ni Castro, ang mga guro ay education frontliners at dapat na bigyang-pansin din ng gobyerno ang seryosong sitwasyon nila sa kasagsagan ng pandemya.
Mula nang magsimula ang blended at distance learning ay naging problema na ng mga guro ang kakulangan ng mga gamit at modules, access sa internet at mababang sahod at benepisyo.