Negatibong pahayag ng grupong bayan tungkol sa nakaraang halalan inaasahan na ng palasyo

Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng Malacanang na aalma ilang makakaliwang grupo tulad ng bayan sa kinalaban ng nakaraang halalan.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes hindi naging patas ang nakaraang halalan dahli ang sinasabing Duterte Magic ay ang paggamit ng mga resources ng gobyerno pabor sa mga kandidato ng administrasyon, paggamit sa PNP at sa AFP para takutin ang opposition groups at ibang grupo pati na ang mga kandidato ng kabilang partido at pagkakalat ng mga maling impormasyon.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagsasalita lamang si Reyes dahil natalo sa eleksyon ang kanilang kandidato na si Neri Colmenares.


 

Ang pagkatalo aniya nila ay malinaw na ebidensiya na hindi naniniwala ang mamamayan sa kanilang mga pananaw, lalo na sa mga ibinabato ng mga ito laban sa administrasyon tulad ng war on drugs, extra judicial killings, issue sa South China Sea at iba pa.

 

Dapat aniyang magising na ang mga ito matapos hindi tanggapin ng mamamayan ang kanilang kandidato pero imbes aniya na pakinggan ang mamamayan ay nagbabato pa ang mga ito ng maling impormasyon laban sa administrasyon.

 

 

 

Facebook Comments