Nag-ikot sa buong bansa ang Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) para masiguro na bukod ligtas drug free din ang mga paliparan sa bansa.
Ito ay alinsunod na rin sa pagsusumikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapigilan na ang pag kalat ng bawal na gamut.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 21 airport ang pinuntahan ng OFSAM mula Luzon hanggang Mindanao.
2,625 ang sumalang sa drug test at lahat sila ay nag-negatibo.
Nakiisa na rin sa random drug test ang ilang air crew mula Philippine Airlines, PAL Express, Cebu Pacific at Air Asia kung saan negatibo din sila sa paggamit ng bawal na gamot.
Facebook Comments