NEGLECT OF DUTY | Kasong administratibo laban sa mga opisyal na nagpabayang protektahan ang isla ng Boracay, inihahanda na

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kasong administratibo na ihahain laban kay Aklan Governor Florencio Miraflores at mga lokal na opisyal dahil sa kapabayaan o neglect of duty sa pagprotekta sa ganda ng isla ng Boracay.

Ayon kay DILG Plans and Programs Assistant Secretary Epimaco Densing, inirekomenda ni Miraflores ang kanselasyon ng ‘Laboracay’, isang weeklong merrymaking event para bigyang daan ang rehabilitasyon.

Ani Densing, isasampa ng investigating team ang kaso laban kay Miraflores at iba pa sa office of the ombudsman bago ang Abril 14 o pagsisimula ng Barangay election ban.


Ang Laboracay ay nakatakdang gawin mula April 27 hanggang May 3 kung saan libu-libong turista at lokal ang inaasahang pupunta.

Facebook Comments