Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, dumadaan sa butas ng karayom dahil sa indemnity clause

Nagpapatuloy pa rin ang negosasyon ng pamahalaan sa vaccine manufacturer na Pfizer.

Ayon kay National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, lawyer to lawyer ang transaksyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kompanyang Pfizer.

Sinabi ni Galvez na ito ay dahil sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification.


Nagiging maingat kasi ang Pfizer pagdating sa pananagutan hinggil sa mga mababakunahan lalo pa’t Emergency Use Authorization pa lamang ang mayroon sa lahat ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon ani Galvez, ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kompanyang maaaring mapagkuhanan ng bansa ng bakuna maliban na lamang sa Pfizer.

Tanging ang nasabing kompanya na lang ang isinasapinal pa ang kasunduan habang ang ibang kompanya gaya ng Sinopharm ay nasa estado na ng pagpoproseso.

Facebook Comments