Kinumprima ni Russian Federation Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na nasa final stage na ang negosasyon sa pagbili ng Pilipinas ng 20 million doses ng Sputnik V vaccine.
Ayon kay Pavlov, nakakuha ang Sputnik V ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA) dahil sa mataas na efficacy rate nito na 97 percent.
Wala rin aniyang adverse side effect na mararanasan ang sinumang tuturukan ng naturang bakuna.
Sa oras na maging tagumpay ang delivery ng 15,000 doses Sputnik V vaccines mamayang hapon, tiniyak ni Pavlov na unti-unting dadami ang volume ng delivery pagdating ng mga susunod na buwan.
Facebook Comments