Negosasyon para sa vaccine supply agreements, nagpapatuloy pa rin – NTF

Patuloy ang negosasyon ng pamahalaan para sa vaccine supply agreements, maliban sa COVAX facility.

Sa joint statement ng National Task Force against COVID-19 at Department of Health (DOH), ang kasalukuyang limitadong global supply ay hadlang para sa vaccine manufacturers na pumasok sa supply agreements sa pamahalaan.

Ito rin ang dahilan kung bakit walang tiyak na petsa kung kailan darating ang mga bakuna sa bansa.


Pagtitiyak ni Health Secretary Francisco Duque III na patuloy na nakikipagnegosasyon ang Pilipinas sa vaccine manufacturers para matiyak ang COVID-19 vaccine supply sa bansa.

Dagdag pa ni Duque, ang mga COVID-19 vaccines na gagamitin sa Pilipinas at dadaan sa evaluation para masigurong ligtas ito.

Facebook Comments