Negosyante, Arestado sa Kasong Estafa

87

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang negosyante matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Almasita Maramba, 52 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cabatuan, dinakip si Maramba sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Antonieta Pablo-Medina ng RTC 276 Muntinlupa City para sa kasong Estafa sa ilalim ng criminal case no. 13-371.

Inirekomenda ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (40,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments