Negosyante, Arestado sa Pagbebenta ng Iligal na Baril!

103

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang negosyante matapos itong maaresto dahil sa pagbebenta nito ng iligal na baril sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ruben Aggabao, 52 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Ganap na alas 9:30 kaninang umaga nang maaresto sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad kung saan ay positibong nabili mula sa suspek ang isang Caliber 45 na may 2 magazine.


Narekober naman sa suspek ang P8,000 na boodle money, isang unit ng cellphone, pitaka, isang coin pouch at P1,000.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments